Skip Navigation
The Endowment for Human Development
The Endowment for Human Development
Improving lifelong health one pregnancy at a time.
Donate Now Get Free Videos

Multilingual Illustrated DVD [Tutorial]

The Biology of Prenatal Development




ANG BIYOLOHIYA NG PAGBUO BAGO ANG PANGANGANAK

.Tagalog


National Geographic Society This program is distributed in the U.S. and Canada by National Geographic and EHD. [learn more]

Choose Language:
Download English PDF  Download Spanish PDF  Download French PDF  What is PDF?
 

The Fetal Period (8 Weeks through Birth)

Chapter 37   9 Weeks: Swallows, Sighs, and Stretches

Ang fetal period ay nagpapatuloy hanggang kapanganakan.

Sa 9 na linggo, nagsisimula ang pagsipsip sa hinlalaki at ang fetus ay kayang lumunok ng amniotic fluid.

Ang fetus ay kaya na ring sumunggab ng bagay, igalaw ang ulo pasulong at pabalik, ibuka at isara ang panga, igalaw ang dila, bumuntunghininga, at mag-inat.

Ang nerve receptors sa mukha, palad ng mga kamay, at talampakan ay makakaramdam ng magaan na hipo.

"Bilang tugon sa magaan na hipo sa talampkan," ililiko ng fetus ang balakang at tuhod at maibabaluktot ang daliri ng paa.

Ang mga talukap ngayon ay ganap nang sarado.

Sa larynx, ang paglitaw ng vocal ligaments ay hudyat ng pagsisimula ng pagbuo ng vocal cord.

Sa mga babaeng fetus, ang matris ay makikilala at ang mga di-hinog na selulang panlikha, na tinatawag na oogonia, ay dumadami sa loob ng obaryo.

Ang panlabas na genitalia ay nagsisimulang makilala kung lalaki o babae.

Chapter 38   10 Weeks: Rolls Eyes and Yawns, Fingernails & Fingerprints

Ang biglang paglaki sa pagitan ng 9 at 10 linggo ay nagpapataas sa timbang ng katawan sa mahigit na 75%.

Sa 10 linggo, ang pagpukaw sa itaas na talukap ng mata ay nagiging sanhi ng pag-ikot ng mata.

Ang fetus at humihikab at madalas buksan at isara ang bibig.

Karamihan ng mga fetus ay sinisipsip ang kanang hinlalaki.

Ang mga seksyon ng bituka sa loob ng pusod ay bumabalik sa butas ng tiyan.

Ang ossification ay nagaganap sa karamihan ng mga buto.

Ang mga kuko sa kamay at kuko sa paa ay nagsisimulang mabuo.

Lilitaw ang tatak ng daliri 10 linggo pagkaraan ng fertilization. Ang mga disenyong ito ay magagamit sa pagkilala sa buong buhay.

Chapter 39   11 Weeks: Absorbs Glucose and Water

Sa 11 linggo ang ilong at mga labi ay buo na. Tulad ng ibang mga bahagi ng katawan, ang kanilang anyo ay magbabago sa bawat yugto ng inog ng buhay ng tao.

Ang bituka ay nagsisimulang sumipsip ng glucose at tubig na nilunok ng fetus.

Kahit na ang kasarian ay ipinapasiya sa fertilization, ang panlabas na genitalia ay maaari nang makilala kung lalaki o babae.

Chapter 40   3 to 4 Months (12 to 16 Weeks): Taste Buds, Jaw Motion, Rooting Reflex, Quickening

Sa pagitan ng 11 at 12 linggo, ang timbang ng fetus ay tumataas ng halos 60%.

Labindalawang linggo ang hudyat ng unang ikatlo, o trimester, ng pagbubuntis.

Ang natatanging taste buds ay tumatakip ngayon sa loob ng bibig.
Sa kapanganakan, ang taste buds ay mananatili sa dila lamang at bubong ng bibig.

Ang pagdumi ay nagsisimula nang kasing-aga ng 12 linggo at magpapatuloy ng mga 6 na linggo.

Ang unang bagay na tatanggalin mula sa bituka ng fetus at bagong panganak ay tinatawag na meconium. Ito ay binubuo ng digestive enzymes, mga protina, at mga patay na selula na inilalabas ng daanang panunaw ng pagkain.

Sa 12 linggo, ang haba ng itaas na kamay o paa ay halos naabot ang pangwakas na proporsiyon sa laki ng katawan. Ang mga paa ay mas nagtatagal na nagkakamit ng pangwakas na proporsiyon.

Hindi kabilang ang likod at tuktok ng ulo, ang katawan ng buong fetus ay tumutugon ngayon sa magaan na hipo.

Ang mga pagkakaiba ng paglaking nakadepende sa kasarian ay makikita sa unang pagkakataon. Halimbawa, ang mga babaeng fetus ay nagpapakita ng paggalaw ng panga nang mas madalas kaysa sa mga lalaki.

Na kabaliktaran ng tugon na pag-urong na nakita sa una, ang pagpukas malapit sa bibig ngayon ay nagtatamo ng ng pag-ikot tungo sa pagpukaw at ng pagbuka ng bibig. Ang pagsagot na ito ay tinatawag na "rooting reflex" at ito'y nagpapatuloy pagkapanganak, tinutulungan ang bagong panganak na hanapin ang utong ng kanyang ina habang nagpapasuso.

Ang mukha ay patuloy na tatanda habang ang mga taba ay nagsisimulang pumuno sa mga pisngi at ang pagkabuo ng mga ngipin ay nagsisismula.

Sa 15 na linggo, ang stem cells na gumagawa ng dugo ay darating at dumarami sa bone marrow. Karamihan sa pagbuo ng selula ng dugo ay nangyayari dito.

Bagaman ang mga galaw ay nagsisimula sa 6 nalinggong embryo, ang buntis na babae ay unang makakaramdam ng galaw ng fetus sa pagitan ng 14 at 18 na linggo. Karaniwan, ang pangyayaring ito ay tinatawag na quickening.

Chapter 41   4 to 5 Months (16 to 20 Weeks): Stress Response, Vernix Caseosa, Circadian Rhythms

Sa 16 na linggo, ang pamamaraan na may pagpapasok ng karayom sa tiyan ng fetus na nagtutulak sa hormonal stress response na naglalabas ng noradrenaline, o norepinephrine, sa daanan ng dugo.

Sa sistema ng paghinga, ang bronchial tree ay malapit nang mabuo.

Ang pananggalang na puting sangkap, na tinatawag na vernix caseosa, ay bumabalot ngayon sa fetus. Ang vernix ay nagpoprotekta sa balat laban sa nakakainis na epekto ng amniotic fluid.

Mula 19 na linggong paggalaw ng fetus, paghinga, at ang tibok ng puso ay nagsisimulang sumunod sa araw-araw na pag-inog na tinatawag na circadian rhythms.

Chapter 42   5 to 6 Months (20 to 24 Weeks): Responds to Sound; Hair and Skin; Age of Viability

Sa 20 linggo ang cochlea, na bahagi ng pandinig, ay umabot na sa laki ng matanda sa isang ganap na nabuong panloob na tainga. Mula ngayon, ang fetus ay tutugon sa lumalaking abot ng mga tunog.

Ang buhok ay magsisimulang tumubo sa anit.

Ang lahat ng patong ng balat at mga istraktura ay naroon, kabilang ang hair follicles at glands.

Sa 21 hanggang 22 linggo pagkaraan ng fertilization, ang baga ay magkakaroon ng ilang kakayahang lumanghap ng hangin. Ito ay itinuturing na edad na may kakayahang mabuhay dahil ang pananatiling buhay sa labas ng sinapupunan ay nagiging posible para sa ibang mga fetus.

Chapter 43   6 to 7 Months (24 to 28 Weeks): Blink-Startle; Pupils Respond to Light; Smell and Taste

Sa 24 na linggo ang mga talukap ng mata ay muling bubukas at ang fetus ay nagpapakita ng pagkurap-pagkagulat na tugon. Ang reaksyong sa bigla, malakas na mga ingay ay karaniwang nabubuo nang mas maaga sa mga babaeng fetus.

Ang iba-ibang mananaliksik ay nag-ulat na ang pagkahantad sa malakas na ingay ay maaaring makaapekto ng masama sa kalusugan ng fetus. Sa mga agad na bunga ay kabilang ang matagal na mas mabilis na tibok ng puso, sobrang paglunok ng fetus, at biglang pagbabago ng asal. Sa posibleng pangmatagalang bunga ay kabilang ang pagkawala ng pandinig.

Ang paghinga ng fetus ay maaaring tumaas sa 44 inhalation-exhalation cycles kada minuto.

Sa ikatlong trimester ng pagbubuntis, ang mabilis na paglaki ng utak ay kumukunsumo ng mahigit sa 50% ng lakas na ginagamit ng fetus. Ang timbang ng utak ay tumataas sa pagitan ng 400 at 500%.

Sa 26 na linggo ang mga mata ay lumilikha ng luha.

Ang mga balintataw ay tumutugon sa liwanag 27 na linggo lamang. Ang tugon na ito ay nangangasiwa sa dami ng liwanag na umaabot sa retina sa buong buhay.

Lahat ng sangkap na kinakailangan para sa gumaganap na pang-amoy ay magagamit. Ang mga pag-aaral sa mga sanggol na maagang ipinanganak ay nagpapakita ng kakayahang makaamoy 26 na linggo lamang pagkaraan ng fertilization.

Ang paglalagay ng matamis na bagay sa amniotic fluid ay nagpapataas sa antas ng paglunok ng fetus. Kasalungat nito, ang pagbaba sa antas ng paglunok ng fetus ay sumusunod sa introduksiyon sa maasim na bagay. Ang binagong ekspresyon ng mukha ang madalas na kasunod.

Sa sunod-sunod na tila paghakbang na galaw ng binti hawig ng paglakad, ang fetus ay gumagawa ng mga pagsirko.

Ang fetus ay nakikitang mas hindi kulubot habang ang karagdagang taba ay nabubuo sa ilalim ng balat. Mahalaga ang taba upang mapanatili ang temperatura ng katawan at mag-imbak ng enerhiya pagkapanganak.

Chapter 44   7 to 8 Months (28 to 32 Weeks): Sound Discrimination, Behavioral States

Sa 28 na linggo, ang fetus ay maaaring makaalam ng pagkakaiba ng mataas at mababang tunog.

Sa 30 na linggo, ang mga galaw sa paghinga ay mas karaniwan at nagaganap 30 hanggang 40% na panahon sa pangkaraniwang fetus.

Sa huling 4 na buwan ng pagbubuntis ang fetus ay nagpapakita ng mga panahon ng magkakaugnay na gawain na binibigyang -diin ng mga panahon ng pahinga. Ang mga asal na ito ay nagpapakita ng laging tumataas na pagkasalimuot ng sentral na sistema ng nerbiyos.

Chapter 45   8 to 9 Months (32 to 36 Weeks): Alveoli Formation, Firm Grasp, Taste Preferences

Sa humigit-kumulang na 32 linggo ang true alveoli, o air "pocket" cells, ay magsisimulang mabuo sa mga baga. Ang mga ito ay patuloy na mabubuo hanggang 8 taon pagkapanganak.

Sa 35 linggo, ang fetus ay may mahigpit na paghawak.

Ang pagkahantad ng fetus sa iba-ibang bagay ay anyong nakakaapekto ng panlasa pagkapanganak. Halimbawa, ang mga fetus na ang ina ay gumamit ng anise, ang bagay na magbibigay sa licorice ng lasa nito, ay nagpakita ng pagkagusto sa anise pagkapanganak. Ang mga bagong panganak na hindi nahantad dito ay ayaw ng anise.

Chapter 46   9 Months to Birth (36 Weeks through Birth)

Ang fetus ang nagbubunsod ng panganganak sa pamamagitan ng paglalabas ng maraming hormone na tinatawag na estrogen at nagsisimula ang pagbabago mula sa fetus patungo bagong panganak.

Ang simula ng panganganak ay binubuo ng malakas na pagsisikip ng matris, na nagbubunga ng pagsilang ng bata.

Mula fertilization hanggang panganganak at higit pa, ang pagbuo ng tao ay dinamiko, patuloy, at masalimuot. Ang mga bagong kaalaman tungkol sa kahanga-hangang prosesong ito ay lalong nagpapakita ng mahalagang epekto ng pagbuo ng fetus sa kalusugan sa habang buhay.

Habang sumusulong ang ating pagkaunawa sa pagbuo ng tao, sumusulong din ang ating kakayahan na pahusayin ang kalusugan - bago ang pagsilang at pagkaraan.


Add a Comment

Your Name: Log In 3rd-party login: Facebook     Google     Yahoo

Comment: